TRAIN Law Tax Calculator - DFA - PH Trending

PH Trending

Latest Philippine news, trending stories about people, politics, sports, viral videos, technologies & more...

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

Friday, 6 July 2018

TRAIN Law Tax Calculator - DFA

Alamin ang iyong total gains mula sa tax reform!
Ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ay naghahangad na baguhin ang kasalukuyang sistema ng pagbubuwis upang gawin itong simple, makatarungan, at mas mabisa. Sa pamamagitan ng TRAIN, ang bawat Pilipino ay maga-ambag sa pagpondo ng mas maraming imprastraktura at mga serbisyong panlipunan para mawala ang matinding kahirapan at mabawasan ang hindi pagkakapantay-pantay. Ang TRAIN ay prayoridad na reporma ng administrasyong Duterte.
Simula Enero 1, 2018, ipapatupad na ang package 1 ng TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion. Tinatama ng TRAIN ang masalimuot at hindi makatarungang sistema ng pagbubuwis. Binababaan nito ang personal income tax, ginagawang simple ang estate at donor’s tax, linalawakan ang saklaw ng value-added tax, tinataas ang buwis sa mga produktong petrolyo at sa mga sasakyan, at bibigyan ng buwis ang mga sugar-sweetened beverage. Akma ang tax calculator na ito sa mga sumusweldong mamamayan, kabilang na ang mga sumasahod, mga emplyado, at iba pa.
The Tax Reform Compensation Income - DOF Official Calculator.

Simple steps on how to use tax calculator:

To estimate the impact of the TRAIN Law on your compensation income, click here or https://taxcalculator.dof.gov.ph/

1. If you're widowed use "Single Option" in the calculator.
Kung ikaw ay biyudo o biyuda, gamitin ang single option sa calculator.

2. Overtime, Absences, leave, de minimis benefits and others are not included in the calculation.
Hindi kasama sa kalkulasyon ang mga overtime, absences, leaves, de minimis benefits, at iba pa.

3. If you or your spouse/husband is not employed, type zzero "0".
Kung ikaw o ang asawa mo ay walang trabaho, itype ang 0 (zero).

4. Total contributions included mandatory contributions for SSS/GSIS, PhilHealth, at PAG-IBIG.
Kasama sa total contributions ang mandatory contributions para sa SSS/GSIS, PhilHealth, at PAG-IBIG.

5. For old calculation, exemption for dependents are also included.
Kasama sa kalkulasyon para sa lumang sistema ang exemption para sa mga dependents.

6. Minimum wage earner and OFW are both exempted from Personal Income Tax.
Tuloy pa rin ang exemption ng mga minimum wage earner at OFW sa Personal Income Tax.

7. No sensitive information is ask by DOF from the data shared on tax calculator to protect the privacy of all.
Walang impormasyon na kinukuha ang DOF mula sa mga datos na ipinabahagi sa tax calculator na ito para maprotektahan ang privacy ng lahat.

To access Withholding Tax Calculator click herehttps://www.bir.gov.ph/images/tax_calculator/wt_calculator.html

For inquiries or suggestions on the Withholding Tax Calculator, you may e-mail contact_us@bir.gov.ph.

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Pages