Paglisan
Sinasalat ko ang bawat bahagi
Ng aking katawan
Walang labis, walang kulang
Sinasalat ko bawat bahagi
Ng aking katawan.
Nunal sa balikat,
Hungkang na tiyan.
May tadyang ka bang hinugot
Nang lumisan?
Sinasalat ko bawat bahagi
Ng aking katawan.
sa kaloob-looban,
Sa kasuluk-sulukan,
Nais kong mabatid
Ang lahat ny iyong
Tinangay at iniwan.
Nais kong malaman,
Kung buong-buo pa rin ako
sa iyong paglisan.
Buwan ng Wika 2017
Filipino: Wikang Mapagbago
Source: https://web.facebook.com/DepEd.Philippines/
No comments:
Post a Comment