DFA 2017 Re-Announcement: OFW exclusive lane at DFA NCR-Central Robinson’s Galleria. - PH Trending

PH Trending

Latest Philippine news, trending stories about people, politics, sports, viral videos, technologies & more...

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

Friday, 18 August 2017

DFA 2017 Re-Announcement: OFW exclusive lane at DFA NCR-Central Robinson’s Galleria.

Announcement for OFWs that is about to renew their Passport.

Magandang Balita!
Para sa mga OFW na nagnanais mag-renew ng passport sa Robinson’s Galleria:
Hindi na po kayo kailangan pumila ng sobrang aga para makapag-renew ng passport.
Ayon sa pamunuan ng DFA NCR-Central sa Robinson’s Galleria, ang mga aplikanteng OFW ay inaabisuhan na pumunta sa nasabing opisina sa pagitan ng alas-otso ng umaga (8:00 AM) hanggang alas-dose ng tanghali (12:00 NN).
Sinisiguro ng DFA NCR-Central sa Robinson’s Galleria na lahat ng aplikanteng OFW na may kumpletong dokumento at darating doon na hindi lalagpas sa alas-dose ng tanghali (12:00 NN) ay maipo-proseso ang passport sa araw ding iyon.
Dahil sarado pa ang Mall at magbubukas pa lang ng alas-diyes ng umaga (10:00 AM), at upang makaiwas ang mga aplikante sa ‘di kaukulang abala, muli naming ipinapaalala sa mga aplikante na sila ay aasikasuhin ng aming opisina basta’t nandoon na ang aplikante sa pagitan ng alas-otso hanggang alas-dose ng tanghali (8:00 AM to 12:00 NN).
Kung may katanungan, maki-pagugnayan sa information counter ng DFA NCR-Central. Maari din naming tumawag sa telepono 631-0806 o mag-email sa: dfa.ncr.central@gmail.com.
Source:
https://dfa.gov.ph/public-advisory/9911-panawagan-ng-dfa-ncr-central-sa-robinson-s-galleria-sa-mga-ofw-passport-applicants 

Image Source:
Rappler.com

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Pages