DoTr FB Page Post: "PILI NA: PURO SABIT o WALANG SABIT? Remember, sa life, mas OKAY ang WALANG SABIT." |
"Isa sa mga layunin ng PUV Modernization program ay magkaroon ng mga modernized PUVs na may kasamang IT Systems tulad ng GPS, CCTVs, wifi, at ang automated fare collection systems kagaya ng Beep Card at Prime Tap. Sa tap-and-go systems, mabilis na, GOODBYE pa sa "Barya lang po sa Umaga."
DoTr FB Admin also explained via comment about the PUV Modernization program. Please continue reading and please feel free to comment and share your thoughts about this issue.
PAUNAWA | Isa-isahin natin para malinaw:
1. Hindi tataas sa P20 ang pasahe. Saan nakuha ng PISTON ang numerong ito?
2. Hindi lugi ang driver/operator. Kikita pa nga sila. Bakit?
- May 43% fuel savings ang mga Euro-4 compliant na sasakyan
- Mas maraming pasahero ang maisasakay dahil mula sa 16 persons seating capacity, magiging 22 na.
- Low to zero maintenance cost dahil bago ang unit
3. Hindi rin totoo na hindi kami nagsagawa ng mga konsultasyon.
Ang DOTr at LTFRB ay nagsagawa ng serye ng konsultasyon at dayalogo kasama ang mga PUV operaytor at mga tsuper sa buong bansa, kabilang dito ang mga organisadong grupo ng transportasyon at ang mga lokal na pamahalaaan.
Ang mga konsultasyong iyon ay isinagawa bago, habang, at pagkatapos malagdaan ang DO 2017-011. Sa katunayan, ang konsultasyon para sa paggawa ng mga local public transport route plan ng mga lokal na pamahalaan at ng mga kooperatiba sa transportasyon ay isinasagawa hanggang ngayon sa buong bansa. Maliban sa sector ng PUJ, nagsasagawa rin ang gobyerno ng konsultasyon sa mga operaytor at grupo ng Trucks for Hire (TH).
4. Hindi korporasyon ang makikinabang kundi mga:
- Local manufacturers na mag-didisenyo ng units
- Pilipinong manggagawa na magkakaroon ng trabaho at gagawa ng mga sasakyan
- Drivers at operators na lalaki na ang kita, uunlad pa ang industriya
- COMMUTERS na matagal nang nagtiis sa luma, hindi ligtas, at hindi komportableng public transportation units
5. Hindi anti-poor ang #PUVModernization Program.
Malaking bahagi ng Modernization Program ang Financial Scheme para sa drivers at operators. Sa tulong ng gobyerno, nasa 6% lamang ang interest rate, 5% naman ang equity, at aabot sa 7 taon ang repayment period. Magbibigay rin ng hanggang PHP80,000 na subsidy ang gobyerno sa kada unit para makatulong sa down payment.
Bukod dito, tandaan natin na ginhawa at kaligtasan ng mahihirap ding commuters ang hangad ng programa.
6. Walang phase out. Mananatili ang mga jeep sa kalsada. Pero sa pagkakataong ito, bago at modern na.
ANO ANG TOTOO?
Hindi na ligtas ang mga lumang PUVs sa Pilipinas. Takaw-aksidente na, polusyon pa ang dala. Hindi komportable at hassle sa mga commuters. Ang totoo, matagal na dapat itong ipinatupad. PANAHON NA PARA SA PAGBABAGO SA KALSADA.
Visit: Department of Transportation - Philippines Facebook Page for more details
#end
Thanks for reading this article.
Was this helpful?
Like Us on Facebook: PH Trending News & Infos
If you find this information helpful, share it with others. Know someone who can use this information? Share this with them as well! Let’s spread the news.
No comments:
Post a Comment