Anemia o Anemic: Mga Sintomas at Solusyon - Dr. Willie T. Ong - PH Trending

PH Trending

Latest Philippine news, trending stories about people, politics, sports, viral videos, technologies & more...

Breaking

Post Top Ad

Friday 15 February 2019

Anemia o Anemic: Mga Sintomas at Solusyon - Dr. Willie T. Ong

Anemia o Anemic: Mga Sintomas at Solusyon

Minsan ba ay parang pagod ka? May nagsabi ba na maputla ka? Ikaw ba ay buntis o lampas sa edad 60? Kung ganoon, ipa-check natin ang iyong dugo para sa anemia.

Ang anemia ay isang pangkaraniwang kondisyon kung saan kulang sa pulang dugo (red blood cells) ang katawan. Alam natin na ang pulang dugo ang nagdadala ng oxygen sa buong katawan.

Kadalasan, ang anemia ay tinatawag na iron-deficiency anemia o IDA. Ang dalawang pangunahing dahilan nito ay ang (1) kakulangan ng nutrisyon mula sa pagkain at (2) ang pagkakaroon ng anumang pagdurugo sa katawan.

Problema Ng Pilipino:

Ayon sa DOST at FNRI Seventh National Nutrition Survey noong 2008, ang iron-deficiency anemia ay nakakaapekto sa 4 sa bawat 10 buntis na Pilipinas. Para sa mga sanggol mula 6 buwan hanggang 1 taon, 56% ay may anemia din. Sa mga bata mula 1 hanggang 12 taon, may 20% ang anemic din. Pag dating naman sa mga edad 60 pataas, may 3 sa bawat 10 senior citizens ang kulang sa dugo.

Ano ang komplikasyon nito?

  1. Para sa mga buntis, puwedeng mapaaga o maging premature ang kanilang pagsilang ng sanggol. 
  2. Para sa batang may anemia, puwede silang maging pandak, payat, masakitin at mahina sa pag-aaral.

Sintomas at Gamutan para sa Anemic:

Kapag bahagya lang ang kakulangan ng dugo, marahil ay walang sintomas ang mararamdaman. Ngunit kung mabilis ang pagbaba ng iyong hemoglobin count o mas mababa pa sa 10 mg/dL ang iyong hemoglobin ay may mararamdaman ka na. Ang pangkaraniwang sintomas ng anemia ay panghihina, pagkahilo kapag tumatayo, hinihingal at palpitasyon.

Para malaman kung ikaw ay may anemia, magpakuha ng CBC (complete blood count) para makita ang lebel ng hemoglobin at hematocrit sa dugo. Ang good news sa sakit na anemia ay madali lang itong gamutin:

1. Kumain ng mga pagkaing mataas sa iron. Sa mga karne, mataas ang iron sa atay ng baka, laman ng baka, baboy at manok. Sa mga hindi gaanong kumakain ng karne, makakakuha din ng iron sa maberdeng gulay tulad ng spinach, malunggay, kangkong, at patatas na may balat, beans at peas. May mga tinapay at cereals din na may dagdag iron.

2. Kumain din ng pagkaing mataas sa vitamin C. Nakatutulong ang vitamin C sa pag-absorb ng iron sa katawan. Mayaman sa vitamin C ang prutas tulad ng dalandan, orange, pinya at suha.

3. Puwede ding uminom ng Iron tablets tulad ng ferrous sulfate tablet at mga multivitamins na may iron. Gawin ito ng isang buwan at siguradong tataas na ang iyong hemoglobin sa dugo. At huwag kalimutang kumonsulta sa doktor.

Maaring Magustuhan Mo Rin:
Tigdas Sa Bata: Paano Maiiwasan? - Dr. Willie T. Ong

Reference:
Doc Willie Ong: https://web.facebook.com/DocWillieOngOfficial

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Pages