PNP Lingkod Bayan Hymn - PH Trending

PH Trending

Latest Philippine news, trending stories about people, politics, sports, viral videos, technologies & more...

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

Sunday, 24 February 2019

PNP Lingkod Bayan Hymn

PNP Lingkod Bayan


Bantay ng katahimikan
PNP lingkod ng bayan
Kriminal aming kalaban
Mamamayan paglilingkuran.
Sa bayan at mamamayan
PNP ang inyong sandigan
Integridad, disiplina at kasanayan
Gabay sa tungkuling alay.

Makadiyos at makabayan
Makatao at makakalikasan
Sa tungkuli'y aming karangalan
Ihandog nag-iisang buhay.

Batas ay ipatutupad
Pantay-pantay para sa lahat
Walang mayaman o mahirap
Ang dulot sa bayan ay galak.

PNP mamamayan magtulungan
Kaayusa't katatagan ating kamtan
Kalakalan uunlad na tunay
Kapayapaa'y ating tagumpay.

Makadiyos at makabayan
Makatao at makakalikasan
Sa tungkuli'y aming karangalan
Ihandog nag-iisang buhay
Ihandog nag-iisang buhay...

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Pages