Panunumpa Ng Lingkod Bayan - PH Trending

PH Trending

Latest Philippine news, trending stories about people, politics, sports, viral videos, technologies & more...

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

Sunday, 24 February 2019

Panunumpa Ng Lingkod Bayan

Panunumpa Ng Lingkod Bayan


Ako’y isang lingkod-bayan / katungkulan ko ang maglingkod / nang buong katapatan at kahusayan / at makatulong sa katatagan at kaunlaran ng aking bayan.

Magiging bahagi ako / ng kaayusan at kapayapaan sa pamahalaan / at magiging halimbawa ako / ng isang mamamayang masunurin / at nagpapatupad ng mga umiiral na batas at alituntunin / nang pantay-pantay at walang kinikilingan

Magsisikap akong patuloy na madaragdagan / ang aking kaalaman / ang bawat sandali ay ituturing kong gintong butil / na gagawin kong kapaki-pakinabang.

Lagi kong isasaalang-alang ang interes ng nakararami / bago ang pansarili kong kapakanan /

Isusulong ko ang mga programang mag-aangat / sa antas ng kabuhayan ng mga mahihirap / at aktibo akong makikibahagi / para sa mga dakilang layunin sa lipunan.

Hindi ako magiging bahagi / at isisiwalat ko ang anumang katiwalian / na makakaabot sa aking kaalaman / sa lahat ng panahon / aking pagsisikapang makatugon / sa hamon sa lingkod bayan. /

Ang lahat ng ito / para sa ating dakilang lumikha / at sa ating bayan / kasihan nawa ako ng panginoon.

Maaring magustuhan mo rin:
Panunumpa Ng Lingkod Bayan
Panunumpa Ng Kawani Ng Gobyerno
Awit Ng Serbisyo Sibil
Panunumpa sa Watawat
BFP HYMN

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Pages