Health | Para Sa Acidic o Ulcer - Payo ni Doc Willie Ong - PH Trending

PH Trending

Latest Philippine news, trending stories about people, politics, sports, viral videos, technologies & more...

Breaking

Post Top Ad

Thursday 30 April 2020

Health | Para Sa Acidic o Ulcer - Payo ni Doc Willie Ong

Mahapdi ang Sikmura: Saging at Tinapay Ang Lunas
Ni Dr. Willie T. Ong

Disclaimer: The health advice in this forum is only for general knowledge. For your specific questions, kindly consult your personal physician. Thank you.


Lahat tayo ay nakararamdam ng paghapdi ng sikmura. Kapag nalipasan tayo ng pagkain o dili kaya ay na-stress sa trabaho, parang makulo ang ating tiyan. Naglalabas kasi ng sobrang acid kaya humahapdi ang sikmura. Ang tawag dito ay gastritis o hyperacidity at kung lumala ay puwedeng maging ulcer.

Hindi lang gamot ang solusyon sa paghapdi ng sikmura. Sa aking pananaw, mas maigi ang pagkain ng wasto:

1. Kumain sa tamang oras (small, frequent meals).
Kumain ng pakonti-konti pero madalas sa isang araw. Halimbawa, kumain ng alas 7 ng umaga. Mag-saging ng alas 10. Mag-lunch ng kaunti lang. Magmerienda ng tinapay sa alas 4 ng hapon. Mag-dinner ng alas 7 ng gabi. Kahit busy ka sa trabaho, huwag kalimutang kumain sa oras. Ingatan ang tiyan.

2. Saging at Tinapay ang lunas.
Napaka-healthy ng saging. Bukod sa madaling baunin at kainin, ang saging ay parang gamot na rin dahil natatapalan nito ang ating sikmura. Ang pandesal din ay maayos sa sikmura at nakakabusog pa. Araw-araw, saging at pandesal ang baon ko kapag maingay ang sikmura ko.

3. Uminom ng tubig pakonti-konti.
Malaki ang naitutulong ng pag-inom ng tubig sa paglinis ng acid sa tiyan. Ang tamang pag-inom ay ang paglagok ng konting tubig bawat 20 minutos. Sa ganitong paraan, mahuhugasan at malilinis ang acid sa tiyan.

4. Umiwas sa pagkaing nakakahapdi ng tiyan. Umiwas sa ma-asim at ma-anghang (spicy).
May mga pagkaing sadyang nakahahapdi ng tiyan. Umiwas sa mga sobrang spicy na pagkain. Ang sili, kalamansi, suka, sinigang na sobrang asim at pineapple juice na puro ay puwedeng magdulot ng paghapdi ng sikmura. Ang sobrang lamig na inumin ay nakakairita din ng tiyan.

Sa aking palagay, hindi na kailangan ng gamot sa ordinaryong paghapdi ng sikmura. Kumain na lang ng mga pagkaing ikaka-relax ng ating tiyan, tulad ng saging, tinapay, kanin, lugaw at gulay. At mag-relax din kaibigan habang kumakain para hindi ma-stress ang ating tiyan!

ULCER, HYPERACIDITY, HEARTBURN and GERD:
Ni Dr. Willie T. Ong

Ano Ang Solusyon?

Symptoms: Mahapdi ang sikmura. Lalo na kapag gutom.

My tips:
1. Huwag magpapagutom. Kumain bawat 3 o 4 na oras.
2. Kumain ng saging at Uminom ng tubig.
3. Kumain ng matatabang lang. Umiwas sa maaasim at maaanghang.
4. Huwag uminom ng alak.
5. Bawas stress.
6. Mag-lakad lakad pagkatapos kumain.
Sa GERD, puwede ang tips #2-6.

Source:
[1] https://web.facebook.com/DocWillieOngOfficial/posts/para-sa-acidic-o-ulcer-basahin-ito-doc-willie-mahapdi-ang-sikmura-saging-at-tina/741794822681698/?_rdc=1&_rdr
[2] https://web.facebook.com/DocWillieOng/posts/ulcer-hyperacidity-heartburn-and-gerdano-ang-solusyonvideo-by-dr-willie-ong-in-e/1566599036886486/?_rdc=1&_rdr

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Pages