Health | Benepisyo ng pagkain ng Pakwan (Watermelon) - ni Doc Willie Ong - PH Trending

PH Trending

Latest Philippine news, trending stories about people, politics, sports, viral videos, technologies & more...

Breaking

Post Top Ad

Saturday, 2 May 2020

Health | Benepisyo ng pagkain ng Pakwan (Watermelon) - ni Doc Willie Ong

Pakwan: Maraming Benepisyo
Ni Dr. Willie T. Ong

Disclaimer: The health advice in this forum is only for general knowledge. For your specific questions, kindly consult your personal physician. Thank you.



Ayon kay Dr. Ong, napakaraming maaring maging benepisyo nang pagkain ng Pakwan. Kung anu-anu ang mga ito, basahin ito sa ibaba:

1. Mabuti sa puso at ugat – Ayon sa US Department of Agriculture, ang pakwan ay nagpapataas ng arginine (isang amino acid) sa ating katawan. Ang arginine ay ginagamit sa paggawa ng nitrous oxide, na nagpaparelaks ng ating mga ugat sa puso at utak. Dahil dito, makatutulong ang pakwan sa pag-iwas sa istrok at atake sa puso. May tulong din sa may high blood.

2. Ayon sa mga eksperto, baka may tulong ang pakwan sa pagpapalakas sa sex. Ito’y dahil sa arginine na nagpapabuka ng ugat din sa ari ng lalaki. Ngunit hindi lang nga kasing bisa ang pakwan kumpara sa mga gamot.

3. Pag-iwas sa kanser – Ang pulang klase na pakwan ay napakasustansya dahil may taglay itong lycopene. Ang lycopene ay tinatayang panlaban sa kanser.

4. Ang pakwan ay sadyang matubig at gawa sa 92% alkaline water. Mabuti ang alkaline water sa ating sikmura at safe ito kahit sa may ulcer.

5. Gamot sa singaw at bad breath – Ayon sa mga eksperto, may tulong ang pakwan sa paggamot ng singaw at pag-bawas sa bad breath.

6. Mabuti sa sikmura at pagdumi – Dahil may fiber at tubig ang pakwan, napapabilis nito ang ating pagdumi. Kung ika’y laging tinitibi (constipated), kumain ng maraming pakwan.

7. Mabuti sa kidneys at pantog – Katulad ng buko juice, nililinis ng pakwan ang ating kidneys at pantog. Kung ika’y may impeksyon sa ihi, kumain ng pakwan at uminom ng tubig para mabawasan ang mikrobyo.

8. Mabisang energy drink – Ang pakwan ay sagana sa vitamin B, potassium at iron. Dahil dito, nagbibigay ng lakas ang pakwan. May natural na asukal din ang pakwan na nagpapasigla ng ating katawan.

9. Kapag napakainit ang panahon, puwede tayong mahilo at manghina ang katawan. Ang pakwan ay nagbibigay ng masustansyang katas na nagpapalamig sa ating katawan. [1]

Source:
[1] https://web.facebook.com/DocWillieOngOfficial/posts

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Pages