Rizal and La Liga Filipina - PH Trending

PH Trending

Latest Philippine news, trending stories about people, politics, sports, viral videos, technologies & more...

Breaking

Post Top Ad

Sunday 19 July 2015

Rizal and La Liga Filipina

The return of RIZAL and  the LA LIGA FILIPINA


      I.        PANIMULA

            Nang lalong maunawaan at mapahalagahan ang buhay at naging kontribusyon ni Dr. Jose Rizal sa ating Inang Bayan at kung bakit siya dinakip at ipiniit sa Dapitan sa ilalim ng malupit napamamalakad ni gobernador-heneral Eulogio Despojul na ikinagalit ng maraming Pilipino lalo na ng bagong tatag na samahang La Liga Filipina, kailangan nating malaman ang sitwasyon ng bayani noong panahon niya na matapang na bumalik sa Maynila upang magbigay daan sa isang kilusang repormista, tulad niya ay si Daniel ng Bibliya na makikipagsagupaan sa leong Espanyol sa sarili nitong kulungan.

    II.        LAYUNIN

1.    Maipaliwanang ang pagtatag ng La Liga Filipina.
2.    Masabi at mailahad ang layunin ng Konstitusyon ng La Liga Filipina.
3.    Mabuksan ang isipan ng mga mag-aaral sa walang katarungang pagdakip kay Dr. Jose Rizal at pagpapatapon sa Dapitan sa bisa ng dekreto ng Gobernador Heneral Despujol.

   III.        MOTIBASYON

Panuto: Hanapin at bilugan sa anyong patindig, pahalang, pahilis o pabaligtad sa loob ng kahon ang mga sumusunod na salita:



Bahay-adwana
Buhay-desterado
Daniel ng Bibliya
Dapitan
Despujol
Fuerza Santiago
Gaceta de Manila
Palasyo
Inkomunikado
Konde ng Caspe
Konseho
Liga
Lucia
Frailes
Rizal

G
A
C
E
T
A
D
E
M
A
N
I
L
A
D
A
B
A
H
L
Q
Y
N
E
H
O
K
F
B
A
G
A
D
P
U
I
A
N
S
U
O
B
U
K
N
Z
H
A
I
C
T
K
O
P
N
P
H
E
O
I
S
A
P
L
I
G
A
D
S
L
A
F
R
N
E
A
Y
I
P
A
L
A
E
E
Y
L
G
Z
D
L
D
A
T
I
F
F
H
L
D
O
A
X
A
E
N
F
D
A
L
R
O
R
E
H
X
S
G
S
N
G
R
W
N
A
T
T
S
R
F
L
Y
A
A
G
B
A
A
A
Z
U
T
M
J
R
A
O
U
N
C
I
I
N
G
I
E
N
S
N
O
Y
J
O
T
A
B
L
A
L
R
N
W
O
Y
E
S
H
E
I
S
L
E
K
A
C
P
K
V
A
N
N
A
T
A
P
I
S
D
E
S
P
U
J
O
L
O
J
S
G
E
Y
O
I
N
K
O
M
U
N
I
K
A
D
O
X
A


  IV.        PAUNANG PAGSUSULIT

Panuto: Piliin at bilugan ang wastong sagot na hinihingi sa bawat katanungan. Bilugan ang tamang sagot.

1.    Sino ang Konde ng Caspe at Espanyol na gobernador-heneral ng Pilipinas na nag-utos dakpin si Rizal sa bisa ng kanyang dekreto?
a)    Valeriano Weyler                
b)    Eulogio Despujol
c)    Fernando Primo de Rivera
d)    Camilo de Polavieja
2.    Alin sa mga sumusunod ang hindi nila pinag-usapan sa pakikipanayam ni Rizal kay Despujol?
a)    Alisin ang kaparusahang pagpapatapon sa mga kapatid na babae.
b)    Pag-uusap tungkol sa Borneo
c)    Pagpapaliwanag sa layunin ng La Liga Filipina
d)    Pagpapatawad sa ama ni Rizal
3.    Anung ligang pansibiko ng mga Pilipino ang naglalayong itatag ang mga papel na gagampanan nito sa panlipunan at pang-ekonomiyang buhay ng taumbayan?
a)    La Solidaridad
b)    La Liga Filipina
c)    Kilusang propaganda
d)    Kilusang repormista
4.    Sa bahay ng mestisongTsino-Pilipinong si Doroteo Ongjunco nabuo at ipinaliwanag ang mga layunin ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong na sinang-ayunan ng mga Pilipino. Sino ang inihalal na pangulo ng nasabing samahan?
a)    Ambrosio Salvador
b)    Deodato Arellano
c)    Bonifacio Arevalo
d)    Agustin de la Rosa
5.    Alin sa mga sumusunod na layunin ng La Liga Filipina ang hindi nakasaad sa Konstitusyon ng Liga?
a)    Pagpapanatili at pagpapairal ng sistemang makaluma sa edukasyon at agrikultura.
b)    Mapag-isa ang buong kapuluan sa isang katawang buo, malakas, at magkakauri.
c)    Proteksiyon ng bawat isa para sa pangangailangan ng bawat isa.
d)    Pagtatanggol laban sa lahat ng karahasan at kawalang katarungan.
6.    Alin sa mga sumusunod na tungkulin ng mga miyembro ng Liga ang hindi kabilang?
1)    Sundin ang Kataas-taasang konseho at tumulong sa pangangalap ng mga bagong miyembro.
2)    Iulat sa piskal ang anumang makaaapekto sa Liga at pagkilos ng matuwid pagkat siya’y mabuting Pilipino.
3)    Tumulong sa kapwa kasapi sa anumang oras.
4)    Pagbibigay ng miyembro ng buwanang kontribusyong 10 sentimos.
7.    Hulyo 6, 1892 nang magtungo si Rizal sa palasyo ng Malacanang upang makipanayam nang ipinadakip siya ni Gobernador-heneral Despujol at ikinulong sa __________, na nailathala sa Gaceta de Manila?
a)    Fuerza Bonifacio
b)    Fuerza Santiago
c)    Fort Santiago
d)    Fort Bonifacio
8.    Ayon sa dekreto ng gobernador, ito ang mga dahilan ng pagpapatapon kay Rizal. Alin sa mga ito ang itinanggi at hiningan niya ng imbestigasyon na ayon rin naman sa batas?
a)    “pagiging anti-Katoliko at anit-prayle”
b)    Pobres Frailes
c)    El Filibusterismo
d)    Mawasak ang pananampalatayang Pilipino.
9.    Gaya ng isinulat ni Rizal sa kanyang talaarawan siya’y naging inkomunikado. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na siya’y isang inkomunikado?
a)    Hindi makapagsalita at makapagsulat.
b)    Malayang nakakakilos at nakakagalaw.
c)    May mga armadong nagbabantay na tanod sa piitan.
d)    Nakakatanggap ng mga senyales mula sa mga taga-labas.
10.  Ilang taon magtatagal si Dr. Jose Rizal sa pagiging buhay-desterado sa malungkot na Dapitan?
a)    4
b)    3
c)    2
d)    1

   V.        TALAKAYAN

“KABANATA 21: ANG PANGALAWANG PAG-UWI AT ANG LA LIGA FILIPINA”

            Pagdating sa Pilipinas, Kasama ang Kanyang Kapatid.

            Noong tanghali ng Hunyo 26,1892, dumating sa Maynila si Rizal, kasama ang kanyang balong kapatid na si Lucia (maybahay ng yumaong Mariano Herbosa). Metikuloso sa pagtatala sa kanyang talaarawan, inilarawan ni Rizal ang pangalawa niyang pag-uwi sa Pilipinas:

            “Dumating ako sa Maynila noong Hunyo 26, 1892. Linggo, ika-12 ng tanghali. Sinalubong kami ng maraming karabino na pinamumunuan ng isang komandante. Mayroon ding isang kapitan at isang sarhento ng Veteranos Guardia Civiles. Bumaba akong dala ang aking mga bagahe at sinisiyasat ako sa bahay-adwana. Mula doon nagtungo ako sa Hotel De Oriente kung saan ako umupa ng isang kwarto, Blg. 22, na nakaharap sa simbahan ng Binondo.”

            Nang hapong iyon, mga alas kuwatro, nagtungo siya sa Malacanang para kausapin ang Espanyol ng gobernador-heneral na si Eulogio Despujol, Konde ng Caspe. Sinabihan siyang bumalik sa gabi ring iyon, mga alas siyete. Sa ganap na alas siyete ng gabi ay nagbalik si Rizal sa Malacanang at nagkaroon siya ng pagkakataong makausap si gobernador-heneral Despujol, na pumayag na patawarin ang kanyang ama ngunit hindi ang ibang miyembro ng kanyang pamilya, at sinabihan siyang magbalik sa Miyekules (Hunyo 29).
           
            Pagkaraan ng maikli niyang pakikipanayam sa gobernador heneral, binisita niya ang mga kapatid na babaeng nasa lungsod – una si Narcisa (Sisa, aswa ni Antonio Lopez) at pagkaraa’y si Neneng (Saturnina, asawa ni Manuel T. Hidalgo).

           
            Pagbisita sa mga Kaibigan sa Gitnang Luzon.

            Alas sais ng gabi ng sumunod na araw (Hunyo 27), lumulan si Rizal sa isang tren, Estasyon ng Tutuban at binisita niya ang mga kaibigan sa Malolos (Bulacan), San Fernando (Pampanga), Tarlac (Tarlac), at Bacolor (Pampanga). Mainit siyang sinalubong at inisikaso sa mga tahanan ng kanyang mga kaibigan. Ang mga kaibigang ito ay mabubuting kababayan, na nakikiisa at nakikisimpatya sa krusadang repormista, at kinuha niya ang opurtunidad na batiin sila ng personal at matalakay sa kanila ang mga suliraning bumabagabag sa mga kababayan.

            Sakay pa rin ng tren ay bumalik si Rizal sa Maynila nang sumusunod na araw, Hunyo 28, alas singko ng hapon. Alam man niya o hindi, sinusubaybayan na ng mga espiya ng pamahalaan ang bawat kinikilos niya. Ang mga bahay na binibisita niya ay sinsalakay ng mga Guardia Civiles at sinasamsam ang mga sipi ng Noli at Fili at iba pang “subersibong” babasahin.

            Iba pang Pakikipanayam kay Despujol.

            Pagkaraang bisitahin ang mga kaibigan sa Gitnang Luzon, nagkaroon pa ng ibang pakikipanayam si Rizal kay Gobernador Heneral Despujol. Ang mga panayam na ito ay nailathala sa kanyang talaarawan.

            Noong miyerkules (Hunyo 29 – z), 7:30, nakipagkita ako sa Kanyang Kataa-taasan. Hindi ako nagtagumpay sa pakikiusap na alisin na ang kaparusahang pagpapatapon, ngunit binigyan niya ako ng pag-asa kaugnay sa kalagayan ng aking mga kapatid na babae. Dahil pista ni San Pedro at San Pablo, ang aming panayam ay natapos ng 9:15. Babalik ako kinabukasan ng 7:30.

            Nang sumunod na araw, Huwebes (Hunyo 30), pinag-usapan namin ang tungkol sa Borneo. Hindi sang-ayon dito ang heneral, matigas ang kanyang pagtututol. Sinasabihan niya akong bumalik sa linggo.
           
            Noong Linggo (Hulyo 3 –Z.) bumalik ako. Pinag-usapan namin ang iba’t-ibang bagay at pinasalamatan ko siya sa pag-alis ng kaparusahang pagpapatapon sa aking mga kapatid na babae. Sinabi ko rin sa kanya na ang aking ama at kapatid na lalaki ay darating lulan ng unang barko. Tinanong niya ako kung gusto kong pumunta sa Hong Kong. Sinabi ko “oo”. Pinabalik niya ako Miyerkules.

            Pagtatag ng La Liga Filipina.

            Noong gabi ng Linggo, Hulyo 3, 1892, pagkaraan ng pakikipanayam niya noong umaga kay Gobernador Heneral Despujol, dumalo si Rizal sa isang pulong ng mga makabayan sa tahanan ng mestisong Tsino-Pilipinong si Doroteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila. Naroon din sa pulong na iyon sina Pedro Serrano Laktaw (Panday Pira), isang Mason at guro; Domingo Franco (Felipe Leal), isang Mason at tagapagbantay ng isang tindahan ng tabako; Jose A. Ramos (Socorro), engrabador, tagapaglimbag, at may-ari ng Bazar Gran Britana, at unang Worshipful Master  ng Nilad, ang unang sangay ng Mason sa PIlipinas: Ambrocio Salvador, gobernador-heneral silyo ng Quiapo at isa ring Mason; Bonifacio Arevalo (Harem), dentsita atMason; Deodato Arellano, bayaw ni M.H. Del Pilar at sibilyang empleyado ng sandatahang-lakas; Ambrocio Flores (Musa), retiradong tenyente ng impanteriya, Agustin de la Rosa, tenedor-de-libro at Mason; Moises Salvador (Araw), kontratista at Mason; Luis Villareal, sastre at Mason; Faustino Villaruel (Ilaw), parmasiyutiko at Mason; Mariano Crisostomo, maylupa; Numeriano Adriano (Ipil), notary at Mason; Andres Bonifacio, bodegero; Apolinario Mabini (Katabay), abogado at Mason; Juan Zulueta, mandudula, makata at empleyado ng gobyerno.

            Ipinaliwanag ni Rizal ang mga layunin ng La Liga Filipina, isang ligang sibiko ng mga Pilipino, na nilalayon niyang itatag at ang mga papel na gagampanan nito sa panlipunan at pang-ekonomiyang buhay ng taumbayan. Ipinakita niya ang Konstitusyon ng Liga na isinulat siya sa Hong Kong at tinalakay niya ang mga probisyon nito. Lubos na napahanga rito ang mga makabayan at sinang-ayunan nila ang pagtatatag ng Liga.

            Ang inihalal na pamunuan ng bagong liga ay binubuo ng mga sumusunod: Ambrocio Salvador, pangulo; Deodato Arellano, kalihim; Bonifacio Arevalo, ingat-yaman; at Agustin de la Rosa, piskal.
           
            Ang Konstitusyon ng La Liga Filipina.
           
            Ang mga layunin ng La Liga Filipina, gaya ng isinasaad ng Konstitusyon nito, ay ang mga sumusunod:

1.    Mapag-isa ang buong kapuluan sa isang katawang buo, malakas, at magkakauri.
2.    Proteksiyon ng bawat isa para sa pangangailangan ng bawat-isa.
3.    Pagtatanggol laban sa lahat ng karahasan at kawalang katarungan.
4.    Pagpapaunlad sa edukasyon, agrikultura at pangangalakal.
5.    Pag-aaral at pagpapairal ng mga pagbabago.

            Ang motto ng La Liga Filipina ay: Unus Instar Omnium (Bawat isa’y katulad ng lahat.)

            Ang lupong tagapangasiwa ng liga ay ang Kataas-taasang Konseho ng may kapangyarihan sa buong bansa. Binubuo ito ng pangulo, kalihim, ingat-yaman, at piskal. Mayroong isang Konsehong Panlalawigan sa bawat probinsiya at isang Konsehong Pupolar sa bawat bayan.

Lahat ng Pilipinong may pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan ay maaring maging miyembro. Bawat miyembro ay magbibigay ng paunang bayad na dalawang piso at buwanang kontribusyong 10 sentimos.

            Ang mga tungkulin ng mga miyembro ng Liga ay ang mga sumusunod: 1) sundin ang mga utos ng Kataas-taasang Konseho; 2) tumulong sa pangangalap ng bagong miyembro. 3) mahigpit na panatilihing lihim ang mga desisyon ng mga awtoridad ng Liga; 4) magkaroon ng ngalang-sagisag na di maaring palitan hanggang di nagiging pangulo ng kanyang konseho; 5) iulat sa piskal ang anumang maririnig na makaapekto sa Liga; 6) kumilos na matuwid na siyang dapat dahil siya’y mabuting Pilipino, at 7) tumulong sa kapwa kasapi sa anumang oras.

Dinakip at Ikinulong si Rizal sa Fuerza Santiago.

            Noong Miyerkules, Hulyo 6, nagtungo si Rizal sa Palasyo ng Malacanang para ipagpatuloy ang serye ng kanyang pakikipanayam sa gobernador-heneral. Sa panayam na ito, nagpakita si Gobernador Heneral Despujol ng ilang nailimbag na babasahin na diumano ay natagpuan sa loob ng punda ng unan ni Lucia. Ang mga subersibong babasahin ay pinamagatang “Pobres Frailes” (Mga Kawawang Prayle”) na isinulat ni Padre Jacinto at inilimbag ng Imprinta de los Amigos del Pais, Maynila. Ang mga ito ay satiriko laban sa mayayamang prayleng Dominikanong kumakamkam ng yaman kabaligtaran ng kanilang panata ng kahirapan.

            Mahigpit na itinaggi ni Rizal ang mga babasahing iyon na nasa kanya o nasa bagahe ni Lucia, na tiningnan naman ng mga awtoridad ng adwana nang dumating sila mula Hong Kong. Kahit na itinanggi niya at humingi siya ng imbestigasyon ayon na rin naman sa batas, dinakip rin siya, dinala at sinamahan sa Fuerza Santiago ni Ramon Despujol, pamangkin at ayudante ni gobernador-heneral Despujol. Sa Fuerza Santiago, naging inkumunikado siya, gaya ng isinulat niya sa kanyang talaarawan.

                        Inilagay nila ako sa isang may kaayusang kuwartong may kama, sandosenang silya, isang mesa, isang palanggana at isang salamin. Ang kuwarto ay may tatlong may rehas na nakatanaw naman sa mga pader ng lungsod at dalampasigan, at ang  isa’y pintong nakakandado. Dalawang armadong lalaki ang nagtatanod ditto. Pinag-utusan silang barilin ang sinumang magbigay ng senyal mula sa dalampasigan. Hindi ako makapagsulat ni makapagsalita rito liban na lamang sa opisyal na nagbabantay dito.

            Nang sumunod na araw, Hulyo 7, inilathala ng Gaceta de Manila ang pagkakadakip kay Rizal, na nagdulot ng kaguluhan at pagkagalit sa maraming Pilipino, lalo na sa mga kasapi ng bagong tatag na La Liga Filipina.

Pagpaptapon sa Dapitan

            Sa isyu ring ito ng Gaceta (Hulyo 7, 1892) nakasulat ang dekreto ni Gobernador Heneral Despujol na nagpapatapon kay Rizal sa “sa sa mga isla sa Katimugan.” Ayon sa dekreto ng gobernador, ito ang mga dahilan ng pagpapatapon kay Rizal:

1.    Naglathala si Rizal ng mga aklat at babasahin sa ibang bansa, na nagpapakita ng kanyang pagtataksil sa Espanya at hayag na nagpapakita ng “pagiging anti-Katoliko” at anti-prayle.”
2.    Ilang oras pagkaraang dumating sa Maynila, natagpuan sa isa sa mga bagahe…. ang isang bulto ng babasahing pinamagatang Pobre Frailes kung saan nilibak ang mapagtimpi at mapagpakumbabang pagbibigay ng mga Pilipino, at kung saan ang akusasyon laban sa kaugalian ng mga ordeng relihiyoso ay nailathala.
3.    Ang kanyang nobelang El Filibusterismo ay inihandog sa alaala ng tatlong “traydor” (Burgos, Gomez, at Zamora), at sa pamagat ng pahina, isinulat niya ang mga bisyo at pagkakamali ng administrasyong Espanyol, “ang tanging katubusan ng Pilipinas ay seperasyon sa inang bayan.”
4.    “Ang tunguhin ng kanyang mga pagsisikap at pagsusulat ay mawasak sa mga tapat na Pilipino ang mga yaman ng ating banal na pananampalatayang Katoliko.”

            Pagkaraang-pagkaraan ng hatinggabi ng Hulyo 14 (12:30 ng umaga ng Hulyo 15, 1892), dinala si Rizal, na may mahigpit na tanod, sa barkong Cebu na papuntang Dapitan. Ang barkong ito, na nasa pamamahala ni Kapitan Delgara, ay pumalaot noon ala-una ng umaga, Hulyo 15, pa-timog, dumaan ng Mindoro at Panay, at dumating sa Dapitan ng Linggo, ika-17 ng Hulyo, ika-7 ng gabi.

            Si Kapitan Delgras ay bumaba ng barko at inihabilin si Rizal kay Kapitan Ricardo Carnicero, Espanyol ng komandante ng Dapitan. Nang gabing iyon, sinimulan ni Rizal ang buhay-desterado sa malungkot na Dapitan na magtatagal hanggang Hulyo 31, 1896, sa haba ng apat na taon.

*****

  VI.        PANGHULING PAGSUSULIT
Panuto: Piliin at bilugan ang wastong sagot na hinihingi sa bawat katanungan. Bilugan ang tamang sagot.

1.    Sino ang Konde ng Caspe at Espanyol na gobernador-heneral ng Pilipinas na nag-utos dakpin si Rizal sa bisa ng kanyang dekreto?
a)    Valeriano Weyler                
b)    Eulogio Despujol
c)    Fernando Primo de Rivera
d)    Camilo de Polavieja
2.    Alin sa mga sumusunod ang hindi nila pinag-usapan sa pakikipanayam ni Rizal kay Despujol?
a)    Alisin ang kaparusahang pagpapatapon sa mga kapatid na babae.
b)    Pag-uusap tungkol sa Borneo
c)    Pagpapaliwanag sa layunin ng La Liga Filipina
d)    Pagpapatawad sa ama ni Rizal
3.    Anung ligang pansibiko ng mga Pilipino ang naglalayong itatag ang mga papel na gagampanan nito sa panlipunan at pang-ekonomiyang buhay ng taumbayan?
a)    La Solidaridad
b)    La Liga Filipina
c)    Kilusang propaganda
d)    Kilusang repormista
4.    Sa bahay ng mestisongTsino-Pilipinong si Doroteo Ongjunco nabuo at ipinaliwanag ang mga layunin ng La Liga Filipina na isinulat ni Rizal sa Hongkong na sinang-ayunan ng mga Pilipino. Sino ang inihalal na pangulo ng nasabing samahan?
a)    Ambrosio Salvador
b)    Deodato Arellano
c)    Bonifacio Arevalo
d)    Agustin de la Rosa
5.    Alin sa mga sumusunod na layunin ng La Liga Filipina ang hindi nakasaad sa Konstitusyon ng Liga?
a)    Pagpapanatili at pagpapairal ng sistemang makaluma sa edukasyon at agrikultura.
b)    Mapag-isa ang buong kapuluan sa isang katawang buo, malakas, at magkakauri.
c)    Proteksiyon ng bawat isa para sa pangangailangan ng bawat isa.
d)    Pagtatanggol laban sa lahat ng karahasan at kawalang katarungan.
6.    Alin sa mga sumusunod na tungkulin ng mga miyembro ng Liga ang hindi kabilang?
a)    Sundin ang Kataas-taasang konseho at tumulong sa pangangalap ng mga bagong miyembro.
b)    Iulat sa piskal ang anumang makaaapekto sa Liga at pagkilos ng matuwid pagkat siya’y mabuting Pilipino.
c)    Tumulong sa kapwa kasapi sa anumang oras.
d)    Pagbibigay ng miyembro ng buwanang kontribusyong 10 sentimos.
7.    Hulyo 6, 1892 nang magtungo si Rizal sa palasyo ng Malacanang upang makipanayam nang ipinadakip siya ni Gobernador-heneral Despujol at ikinulong sa __________, na nailathala sa Gaceta de Manila?
a)    Fuerza Bonifacio
b)    Fuerza Santiago
c)    Fort Santiago
d)    Fort Bonifacio
8.    Ayon sa dekreto ng gobernador, ito ang mga dahilan ng pagpapatapon kay Rizal. Alin sa mga ito ang itinanggi at hiningan niya ng imbestigasyon na ayon rin naman sa batas?
a)    “pagiging anti-Katoliko at anit-prayle”
b)    Pobres Frailes
c)    El Filibusterismo
d)    Mawasak ang pananampalatayang Pilipino.
9.    Gaya ng isinulat ni Rizal sa kanyang talaarawan siya’y naging inkomunikado. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na siya’y isang inkomunikado?
a)    Hindi makapagsalita at makapagsulat.
b)    Malayang nakakakilos at nakakagalaw.
c)    May mga armadong nagbabantay na tanod sa piitan.
d)    Nakakatanggap ng mga senyales mula sa mga taga-labas.
10.  Ilang taon magtatagal si Dr. Jose Rizal sa pagiging buhay-desterado sa malungkot na Dapitan?
a)    4
b)    3
c)    2
d)    1


 VII.        SANGGUNIAN or REFERENCES

1.    Gregorio F. Zaide, Sonia M. Zaide, “Jose Rizal: Buhay, mga ginawa at mga sinulat ng isang henyyo, manunulat, siyentipiko at Pambansang Bayani”, All-Nations Pub. Co. Inc, 1997.
2.    "José Rizal." Microsoft® Student 2009 [DVD]. Redmond, WA: Microsoft Corporation, 2008.
3.    http://tl.wikipedia.org/wiki/La_Liga_Filipina
4.    http://fil.wikipilipinas.org/index.php/La_Liga_Filipina
5.    http://msc.edu.ph/centennial/liga.html
6.    http://angbuhaynijprizal.wordpress.com/laligadapita/
7.    http://www.oocities.org/mcc_joserizal/reform_laliga.html

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Pages